화면이 정상적으로 보이지 않을 경우, Ctrl + Shift + R(캐시 비우기 및 강력 새로고침)으로 캐시를 새로고침해 주세요.

전체메뉴

Isarado
구글번역
구글번역 닫기

서브 콘텐츠 시작

현재 페이지 위치

  • Sentro ng Pagpapayo
  • Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural 1577-1366
  • Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural

Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural


Operasyon ng Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural 1577-1366

Dinisenyo ang Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural (1577-1366)
upang magkaloob ng mga pasadya at komprehensibong serbisyo para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa at mga pamilyang multikultural. Tumutulong din ito sa mga imigranteng biktima at nag-aalok ng mga serbisyong proteksyon ng mga karapatang pantao kabilang ang pagpapayo at suporta sa panahon ng kagipitan.

Mga detalye ng serbisyo

"Mga Serbisyo ng Danuri Call Center : Isang talangguhit na nagdedetalye sa tulong sa karahasan, pag-aasikaso, komprehensibong impormasyon sa pamumuhay, araw-araw na pagpapaliwanag at sabay-sabay na pagpapaliwanag sa telepono, pampamilya at pang-mag-asawang pagpapayo, at mga serbisyong pagpapayong legal na ipinagkakaloob ng Danuri Call Center."
Pag-uuri Mga detalye
Tulong at Pag-aasikaso sa Karahasang Pantahanan
  • Kanlungang pangkagipitan para sa mga kababaihan at bata
  • Kanlungan para sa mga kababaihan mula sa karahasang pantahanan, karahasang sekswal, at trabahong sekswal.
  • Mgagagamit na serbisyong medikal, legal, at pulis.
Komprehensibong Impormasyon sa Pamumuhay
  • Proyektong sumusuporta sa mga pamilyang multikultural
  • Kanlungan para sa mga kababaihan mula sa karahasang pantahanan, karahasang sekswal, at trabahong sekswal.
  • Mgagagamit na serbisyong medikal, legal, at pulis.
Mga Serbisyong Araw-araw na Pagpapaliwanag at Sabay-sabay na Pagpapaliwanag sa Telepono
  • Pakikipag-usap sa mga kapamilya
  • Sabay-sabay na pagpapaliwanag para sa pulis, ospital, rehiyunal na komunidad, surian ng edukasyon, at bangko
Pampamilyang Pagpapayo at Pang-mag-asawang Pagpapayo
  • Pagpapayo at pagpapaliwanag para mapagtagumpayan ang mga gusot sa pamilya.
Pagpapayong Legal
  • Pagpapayong legal kasabay ng Korean Bar Association
    • 14:00 hanggang 16:00 tuwing Martes (kailangan ng pagpapareserba)

Mga oras ng serbisyo at lokasyon

  • Central Center: 24 oras, 7 araw kada linggo
    • Telepono 1577-1366, 7F, 37, World Cup-ro, Mapo-gu, Seoul
  • Regional Center: Weekdays 09:00~18:00 (*paglipas nang alas 18:00, ang tawag ay automatikong  makonekta sa pangunahing sentro(Seoul)
    • Gyeonggi/Suwon: 031-257-1841
    • Daejeon: 042-488-2979
    • Gwangju: 062-366-1366
    • Busan: 051-508-1366
    • Gyeongbuk/Gumi: 054-457-1366
    • Jeonbuk/Jeonju: 063-237-1366

Mga Wika ng Serbisyo

Pagpapayo para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa na inihahandog ng mga propesyonal na tagapayo sa 13 wika

( Koreano, Vietnamese, Tsino, Ingles, Tagalog (Filipino), Mongolian, Russian, Thai, Khmer (Cambodian), Japanese, Uzbek, at Laos. Ang wikang Nepali ay idagdag na rin sa mga wikang ihahandog.)

Mga Serbisyo

  • Pagpapayo sa telepono: sabay-sabay na pagpapaliwanag sa telepono, 24 oras (1577-1366)
  • Pagpapayong online: www.liveinkorea.kr isa-sa-isang pagpapayo (magtungo sa pagpapayong online)
  • Pagpapayong personal: Pagpapayo ng isang ipinadalang tagapayo ng Danuri (kailangan ng tipanan)
  • Site counseling: Pagpapayo sa Danuri Call Center (kailangan ng tipanan)

QUICK MENU

TOP