Sistemang Nagtataguyod ng mga Proyektong Pangsuporta
Ang Multicultural Family Support Centers ay pinapatakbo at mino-monitor
ng mga pamahalaang punong-lungsod at lalawigan. Sinusuportahan ng mga pamahalaan ang pagtatalaga
at pagpopondo ng Multicultural Family Support Centers. Ang mga pangunahing yunit ng regional
consultative body ay pinapatakbo ng mga pamahalaang lalawigan. Kabilang sa mga pangunahing
programa ang pagpapayaman ng kapaligirang bilingguwal, pagpapabuti ng ugnayang pampamilya, at
pagsasanay sa etiketa sa pagsasama ng mag-asawa. Kabilang sa iba pang mga proyekto ang edukasyon
sa bahay, suporta sa pangwikang paglinang, pagpapaliwanag/pagsasalin, at pagtuturo para sa mga
imigranteng dahil sa pag-aasawa. Konektado ang Multicultural Family Support Center sa healthcare
centers, Korea Immigration Service, employment centers, daycare centers at schools, at Office of
Education.