화면이 정상적으로 보이지 않을 경우, Ctrl + Shift + R(캐시 비우기 및 강력 새로고침)으로 캐시를 새로고침해 주세요.

전체메뉴

Isarado
구글번역
구글번역 닫기

서브 콘텐츠 시작

현재 페이지 위치

  • Sentro ng Pagpapayo
  • Gabay sa Pagpigil ng mga Panloloko sa Internasyonal na Pag-aasawa 02-333-1311
  • Gabay sa Pagpigil ng mga Panloloko sa Internasyonal na Pag-aasawa

Gabay sa Pagpigil ng mga Panloloko sa Internasyonal na Pag-aasawa

Gabay sa Pagpigil ng mga Panloloko sa Internasyonal na Pag-aasawa (02-333-1311)

Tumawag sa 02-333-1311 upang makatanggap ng ekspertong payo kung paano maiiwasan ang mga panloloko sa internasyonal na pag-aasawa at upang makakuha ng impormasyon tungkol sa internasyonal na pag-aasawa.
Ang linya ng serbisyong ito ay pinapatakbo ng Ministry of Gender Equality and Family.
Mga oras :
09:00 hanggang 18:00 Lunes hanggang Biyernes (sarado tuwing Sabado't Linggo at mga pampublikong pista) *Oras ng pananghalian: 12:00-13:00
Paraan ng pagpapayo :
Pagpapayo sa telepono (02-333-1311)
Para kanino ito?
  • Mga biktima ng panloloko sa internasyonal na pag-aasawa at kanilang mga pamilya
  • Mga nagnanais makapag-asawa ng dayuhan
  • Mga organisasyong may kinalaman sa internasyonal na pag-aasawa at multikulturalismo
Tungkol sa Proyekto
  • Linya ng serbisyong nagpapayo tungkol sa panloloko sa pag-aasawa (02-333-1311)
  • Impormasyon kung paano pangasiwaan ang iba't ibang uri ng panloloko
  • Impormasyon hinggil sa mga nagkakaloob ng tulong
  • Impormasyon hinggil sa mga internasyonal na pag-aasawa
  • Pagsusuri ng mga halimbawa ng mga panloloko sa internasyonal na pag-aasawa at estatistika sa pagpapayo
Proseso ng Pagpapayo
  1. 1. Paunang pagpapayo sa biktima ng panloloko sa internasyonal na pag-aasawa sa 02-333-1311
  2. 2. Pagkilala ng mga pangangailangan ng biktima at pagsusuri ng mga hakbang sa pagtulong.
    "Mga Wika ng Serbisyo : Makakakuha ng pagpapayo sa Korean, English, Chinese, Vietnamese, Tagalog, Khmer, Mongolian, Russian, Japanese, Thai, Lao, Uzbek, at Nepalese."
    Mga Uri ng Panloloko Mga Kailangang Tulong
    Mga panloloko sa pagkokoredor ng internasyonal na pag-aasawa Pagsasaayos ng mga alitan sa kontrata
    Kabayaran para sa mga pagkawala
    Mga pinsalang may kinalaman sa asawa Parusang kriminal
    Iba pa Pagpapawalang-bisa ng kasal
  3. 3. . Ekspertong Konsultasyon
    • Korea Consumer Agency
    • Korea Legal Aid Corporation
    • Korea Legal Aid Center for Family Relations
    • Pulis
    • Korea Immigration Service
  4. 4. Impormasyon hinggil sa tulong sa panloloko sa pag-aasawa
  5. 5. Balik-tawag o direktang pangangasiwa ng mga kaso

QUICK MENU

TOP