전체
- QPaano umaandar ang serbisyong suporta sa pag-unlad ng wika para sa mga anak ng mga pamilyang multikultural?
-
A
Inihahandog ang serbisyong suporta sa pag-unlad ng wika, na tina-target ang mga anak na mas bata sa 12 ng mga pamilyang multikultural, sa sentro, malapit na pasilidad para sa pangangalaga ng bata, kindergarten, mababang paaralan, atbp. nang walang bayad.
○ Pagtatasa sa pag-unlad ng wika
- Paunang panayam sa bata at tagapag-alaga (mga magulang, direktor ng sentro ng pangangalaga ng bata, atbp.)
- Pagtatasa sa antas ng pag-unlad ng wika ng bata gamit ang instrumento para sa pagtatasang angkop para sa bata.
• Isinasagawa ang pagtatasa sa isa hanggang apat na sesyon (itinatagal ng bawat sesyon: 40minuto) at iniaayon sa edad, istado ng pag-unlad, at nakapaligid na sitwasyon ng bata.
○ Edukasyon para sa Pag-unlad ng Wika
- Bilang resulta ng pagtatasa sa pag-unlad ng wika, makakatanggap ang anak ng edukasyon sa wika para sa pagpapabilis ng pag-unlad ng bokabularyo at estruktura ng pangungusap, pagpapahusay ng mga kasanayan sa pakikipag-usap at komunikasyong pakikipagkapwa, at pagtataguyod ng pag-unlad ng pagbabasa at pagkukuwento.
- Isasagawa ang edukasyon sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layuning pang-edukasyon ayon sa resulta ng pagtatasa ng bata.
• Dalawang beses kada linggo, 40minuto para sa bawat leksiyon.
• Uri ng leksiyon: Indibidwal (1:1), Panlahat (higit sa 2 tao)
※ Pinupuntirya ng mga panlahat na leksiyon ang isang grupo ng mga batang may parehong antas ng edad at istado ng pag-unlad.
○ Konsultasyon at edukasyon para sa mga magulang
- Ibibigay ang konsultasyong pangmagulang para sa pagbuo ng bigkis ng simpatiya sa pagitan ng anak at mga magulang, habang ang edukasyong pangmagulang, para sa pagsuporta sa pag-unlad ng wika ng bata.
- QPaano ako makakapag-aplay para sa pabisitang serbisyong pamumuhay ng mga anak?
-
A
Dapat mag-aplay para sa serbisyong suportang pampamahalaan sa lokal na sentro ng serbisyong pangkomunidad sa <i>eup</i>, <i>myeon</i>, at <i>dong</i> na nakarehistro sa pagpaparehistro bilang residente (ng iyong anak) (※ para lamang sa tirahan ng tagagamit ng serbisyo).
→ Pagkatapos matanggap ang abiso sa uri ng kitang suportado ng pamahalaan, mangyaring mag-aplay para sa serbisyo sa iyong lokal na Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural.
- QSa pagkakaalam ko, mayroong serbisyong edukasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay para sa mga pamilyang multikultural. Anong mga uri ng mga serbisyong edukasyon ang inihahandog?
-
A
Nagsasagawa ng serbisyong edukasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay ang 216 Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural mula sa 217 sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang kwalipikadong bumibisitang tagapangasiwa sa isang target na pamilya. Ang serbisyo ay binubuo ng pag-aaral ng wikang Koreano para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa at mga dumayong anak ng mga pamilyang multikultural, edukasyong pangmagulang para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa, at serbisyong pamumuhay ng mga anak para sa mga anak.
Kung mayroon kang mga kahilingan o katanungan para sa serbisyong edukasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay, mangyaring tumawag o bumisita sa iyong lokal na Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural.
- QKailangan ko bang magpamiyembro kung gusto kong gamitin ang Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural? Anong uri ng mga dokumento ang kailangan ko para sa pagpapamiyembro?
-
A
Para magamit ang Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural, kailangan mong magpamiyembro sa sentro, at kakailanganin ang mga sumusunod na dokumento:
① Mga pamilyang multikultural
- Kung mayroon kang numero ng pagpaparehistro bilang residente: Isang kopya ng Pagpaparehistro bilang Residente (nakasulat sa kopya ang imigranteng dahil sa pag-aasawa o naturalisadong mamamayang Koreano)
- Kung wala kang numero ng pagpaparehistro bilang residente: Isang kopya ng parehong Sertipikasyon ng Ugnayang Pampamilya at Sertipiko ng Pagpaparehistro bilang Dayuhan, o isang kopya ng parehong Sertipikasyon ng Ugnayang Pampamilya at iyong Pasaporte
② Mga dayuhang kapamilya, atbp.: Isang kopya ng Sertipiko ng Pagpaparehistro bilang Dayuhan o Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Lokal na Paninirahan
- Mga dayuhang manggagawa, mga dayuhang mag-aaral, mga Koreanong nakabase sa ibang bansa (mga Koreanong may dayuhang pagkamamamayan + mga Koreanong nasa ibang bansa), mga takas, atbp.
③ Mga taga-Hilagang Koreang takas: Kompirmasyon ng Pagpaparehistro ng mga Taga-Hilagang Koreang Takas
※ Isumite ang mga kinakailangang dokumento sa mga binanggit sa ①, ②, at ③.
- QAnong mga uri ng mga serbisyo ang ibinibigay ng Sentrong Sumusuporta sa mga Pamilyang Multikultural? Makakatanggap ba ako ng mga serbisyo nang libre?
-
A
Naghahandog ang sentro ng iba’t ibang proyekto (operasyon ng mga programang may kaugnayan sa pamilya, pagkakapantay-pantay sa kasarian, mga karapatang pantao, at mga dominyo ng panlipunang pagsasama-sama, at serbisyong konsultasyon), mga serbisyong edukasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay (serbisyong pag-aaral ng wikang Koreano, serbisyong edukasyong pangmagulang, at serbisyong pamumuhay ng mga anak), serbisyong pang-impormasyon, proyektong sumusuporta sa pag-unlad ng wika para sa mga anak ng mga pamilyang multikultural, at serbisyong pagpapaliwanag at pagsasalin para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa nang walang bayad. Gayunpaman, sakop ng babayaran ng tagagamit ang ang suportang buhay bata ayon sa mga saligan sa kita.