화면이 정상적으로 보이지 않을 경우, Ctrl + Shift + R(캐시 비우기 및 강력 새로고침)으로 캐시를 새로고침해 주세요.

전체메뉴

Isarado
구글번역
구글번역 닫기

좌측메뉴

Balita mula sa Ibang Organisasyon

서브 콘텐츠 시작

현재 페이지 위치

  • Paunawa
  • Balita mula sa Ibang Organisasyon

Balita mula sa Ibang Organisasyon

Pinahigpit ang Social Distancing
2021-12-22 1

Pinahigpit ang Social Distancing

'21.12.18. (Sat)~'22.1.2. (Sun)

Mga Regulasyon para sa mga pribadong pagtitipon

(hanggang 4katao, sa buong bansa)

Paglimita sa mga oras ng pagpapatakbo (limitado sa oras na 21:00 at 22:00),

Paghihigpit ng Social Distancing ng mga lugar sa pang-araw-araw na pamumuhay.

 

 

Pangunahing Paksa

Pagbawas ng bilang ng mga pribadong pagtitipon : hanggang 4katao, sa buong bansa

- Ang mga taong hindi bakunado ay hindi pwedeng makagamit kasama ang mga taong nakumpleto na ang bakuna (1tao lang ang pwedeng makagamit ng mag-isa)

- Subalit, ang umiiral na saklaw ng eksepsyon ay patuloy na pinapanatili sa mga pamilyang magkasamang naninirahan at nangangalaga (mga bata, matatanda, may kapansanan, atbp.)

Limitado ang oras ng pagpapatakbo hanggang 21:00 ( Pangkat 1*, Pangkat 2**)

* Pangkat 1 : Mga pasilidad ng libangan, **Pangkat 2 : Mga restawrant, café, lugar ng pagsasanay sa pag-awit, negosyong paliguan, pasilidad sa panloob na palakasan, atbp.

- Pangkat 3*** at ang ilan sa iba pang pasilidad ay limitado hanggang sa oras na22:00

*** Akademya, sinehan,bulwaganng pagtatanghal, PC room, silid ng pagbabasa, atbp., mga ilan sa iba pang pasilidad (karerahan, café ng mga bata, massage parlor, atbp.)

Mga Kaganapan·Pagtitipon : Pinaghigpit ang panuntunan ng kuwarantenas para sa mga malalaking kaganapan at pagtitipon

- Maari hanggang 49katao sa mga bakunado at hindi bakunado ay walang pagkakaiba.

- Kung mayroong higit sa 50 katao, posibleng magkaroon ng hanggang 299 katao, kabilang ang mga nakatapos ng bakuna.

Iba pang lugar sa pang-araw-araw na pamumuhay

- Paghihigpit ng Social Distancing ng mga lugar sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng paaralan, mga lugar ng trabaho, at mga pampublikong institusyon.

Paaralan : I-adjust sa 2/3 na antas ang densidad.
Sa pagsaalang-alang sa sitwasyon ng impeksyon sa bawat rehiyon, maaring i-akma na adjustable sa bawat paaralan
elementarya 5/6 na antas ng densidad, sa Sekondarya · Mataas na Paaralan 2/3 na antas ng densidad (ipatupad simula 12/20)

Lugar ng Trabaho : Paglulunsad ng trabaho mula sa bahay(Work-from-home), aktibong pagsagawa ng pagpasok at uwi pagkatapos ng trabaho sa magkaka-ibang oras atbp., pagbabawas ng densidad sa loob ng lugar ng trabaho

Pampublikong Lugar : Pagpapaliban o pagkansela ng mga
harap-harapang kaganapan ng pagtitipon, mahigpit na sundin ang mga disiplina sa serbisyong publiko tulad ng pag-iwas sa mga pagtitipon at mga salu-salo alinsunod sa paghihigpit ng Social Distancing.

 

<Isinalin ng Danuri Call Center 1577-1366>

첨부파일
  • 등록된 첨부파일이 없습니다.

QUICK MENU

TOP