Impormasyon tungkol sa maraming kultura
Paunawa
Sentro ng Pagpapayo
Pinahigpit ang Social Distancing
'21.12.18. (Sat)~'22.1.2. (Sun)
Mga Regulasyon para sa mga pribadong pagtitipon
(hanggang 4katao, sa buong bansa)
Paglimita sa mga oras ng pagpapatakbo (limitado sa oras na 21:00 at 22:00),
Paghihigpit ng Social Distancing ng mga lugar sa pang-araw-araw na pamumuhay.
□ Pangunahing Paksa
◯ Pagbawas ng bilang ng mga pribadong pagtitipon : hanggang 4katao, sa buong bansa
- Ang mga taong hindi bakunado ay hindi pwedeng makagamit kasama ang mga taong nakumpleto na ang bakuna (1tao lang ang pwedeng makagamit ng mag-isa)
- Subalit, ang umiiral na saklaw ng eksepsyon ay patuloy na pinapanatili sa mga pamilyang magkasamang naninirahan at nangangalaga (mga bata, matatanda, may kapansanan, atbp.)
◯ Limitado ang oras ng pagpapatakbo hanggang 21:00 ( Pangkat 1*, Pangkat 2**)
* Pangkat 1 : Mga pasilidad ng libangan, **Pangkat 2 : Mga restawrant, café, lugar ng pagsasanay sa pag-awit, negosyong paliguan, pasilidad sa panloob na palakasan, atbp.
- Pangkat 3*** at ang ilan sa iba pang pasilidad ay limitado hanggang sa oras na22:00
*** Akademya, sinehan,bulwaganng pagtatanghal, PC room, silid ng pagbabasa, atbp., mga ilan sa iba pang pasilidad (karerahan, café ng mga bata, massage parlor, atbp.)
◯ Mga Kaganapan·Pagtitipon : Pinaghigpit ang panuntunan ng kuwarantenas para sa mga malalaking kaganapan at pagtitipon
- Maari hanggang 49katao sa mga bakunado at hindi bakunado ay walang pagkakaiba.
- Kung mayroong higit sa 50 katao, posibleng magkaroon ng hanggang 299 katao, kabilang ang mga nakatapos ng bakuna.
◯ Iba pang lugar sa pang-araw-araw na pamumuhay
- Paghihigpit ng Social Distancing ng mga lugar sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng paaralan, mga lugar ng trabaho, at mga pampublikong institusyon.
• Paaralan : I-adjust sa 2/3 na antas ang densidad.
Sa pagsaalang-alang sa sitwasyon ng impeksyon sa bawat rehiyon, maaring i-akma na adjustable sa bawat paaralan
elementarya 5/6 na antas ng densidad, sa Sekondarya · Mataas na Paaralan 2/3 na antas ng densidad (ipatupad simula 12/20)
• Lugar ng Trabaho : Paglulunsad ng trabaho mula sa bahay(Work-from-home), aktibong pagsagawa ng pagpasok at uwi pagkatapos ng trabaho sa magkaka-ibang oras atbp., pagbabawas ng densidad sa loob ng lugar ng trabaho
• Pampublikong Lugar : Pagpapaliban o pagkansela ng mga
harap-harapang kaganapan ng pagtitipon, mahigpit na sundin ang mga disiplina sa serbisyong publiko tulad ng pag-iwas sa mga pagtitipon at mga salu-salo alinsunod sa paghihigpit ng Social Distancing.
<Isinalin ng Danuri Call Center 1577-1366>